Wanted person arestado sa bayan ng Matalam North Cotabato

Isang magsasaka na matagal ng nagtatago sa batas ang hinuli ng mga otoridad sa mismong tahanan nito sa Purok 2, Brgy. Bato sa bayan ng Matalam sa lalawigan ng Cotabato kahapon ng umaga.
Kinilala ang hinuling suspek na si Jenard Cabañas Deloso alyas Nonoy”, 27 anyos , may-asawa residente ng nasabing lugar.
Si Deoloso ay may kinakaharap na kasong attempted homicide batay na rin sa ipinalabas na warrant of arrest na inisyu noon ni Hon. Arvin Sadiri Balagot , Former Presiding Judge ng 2nd MCTC, Mlang-Matalam, Mlang, noong pang May 12, 2011.
Maayos namang sumama ang suspect sa mga sa mga otoridad na ngayo ay nakapiit sa Matalam Municipal Police Station.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments