WANTED PERSON, ARESTADO SA KASONG QUALIFIED THEFT

CAUAYAN CITY- Tuluyan nang napasakamay ng mga otoridad ang isang lalaki matapos masilbihan ng warrant of arrest sa pampublikong palengke ng San Leonardo, Aglipay, Quirino.

Kinilala ang suspek na si alyas “Gerald”, nasa hustong gulang, at tinagurian bilang wanted person.

Naaresto ang suspek sa bisa ng mandamiento de aresto sa kasong Qualified Theft kung saan may inirekomendang pyansa na nagkakahalaga ng Php72,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa himpilan ng kinauukulan para sa kaukulang dokumentasyon.

Samantala, ang matagumpay na pagkakaaresto ng suspek ay dahil sa pinagsanib na pwersa ng Traffic Enforcement Unit at Santiago City Police Office Station 1.

Facebook Comments