Wanted person, arestado sa San Juan City

Arestado ang isang wanted person na gumagamit na iligal na droga sa 186 V. Cruz St., Brgy. Sta. Lucia, San Juan City.

Kinilala ang akusado na si Alejandro Cabudlay y Fernandez, 57 anyos na matandang binata.

Batay sa imbestigasyon ng San Juan Philippine National Police, naaresto si Cabudlay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Juvencio Gascon ng RTC Branch 68 dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.


Nakapiit na sa custodial facility ng San Juan City Police Station ang naturang akusado.

Facebook Comments