WANTED PERSON, ARESTADO SA URBIZTONDO KAUGNAY NG KASONG STATUTORY RAPE

Arestado ang isang wanted na lalaki dahil sa kasong Statutory Rape sa Urbiztondo PNP kahapon, bandang alas-3:30 ng hapon sa bayan ng Urbiztondo.

Ayon sa ulat, ang warrant of arrest ay mula pa sa 1st Judicial Region sa San Carlos City.

Dahil dito, nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 7620 o Special Protection Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na nagtatakda ng mas mahigpit na parusa para sa mga krimen laban sa mga bata, kabilang na ang statutory rape.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Custodial Facility ng Urbiztondo Police Station ang suspek habang inaayos ang kaukulang disposisyon alinsunod sa batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments