Wanted Person na Kasapi ng Milisyang Bayan, Timbog sa Cagayan

Cauayan City, Isabela- Bumagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa municipal level at kasapi ng Milisyang bayan sa Brgy. Calassitan, Sto. Niño, Cagayan.

Dinakip ng mga kasapi ng Sto. Niño Police Station PIT Cagayan, RIU2 PNP, 4th MFP, 1st PMFC, 202nd MC, RMFB, Provincial Intelligence Unit ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) ang akusado na kinilalang si Martin Reyes alyas ‘Ronie’, 45 taong gulang, may-asawa, magsasaka at residente ng Sitio Dagum, Brgy. Calassitan ng bayan ng Sto. Niño.

Ito ay sa bisa ng mandamiento de aresto na inilabas ni hukom Francisco Donato, RTC Branch 33, Ballesteros, Cagayan dahil sa kaso nitong murder o pagpatay.


Dinala sa Sto. Niño Police Station ang akusado para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Kaugnay nito, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Facebook Comments