Wanted person na naaresto sa Camiguin, dadalhin na sa Gingoog City, Misamis Oriental ngayong araw

Dadalhin na ngayong araw sa Gingoog City, Misamis Oriental ang isang most wanted person na naaresto sa lalawigan ng Camiguin.
Ayon kay Police Inspector Arvin Jay Lacambra, Acting Chief of Police sa Catarman Municipal Police Station ang suspek ay ang 39 anyos na si Clint Reynante Nacasabog, na taga Lawigan, Catarman, Camiguin.
Si Nacasabog ay nadakip sa joint operation ng kapolisan sa Catarman Municipal Police Station at Gingoog City Police Station kahapon ng umaga.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Nacasabog sa Gingoog City noon pang 2013 kaya bumalik ito sa kanyang tirahan sa Camiguin at doon na nadakip ng kapulisan.
By: Kasamang Annaliza Amontos-Reyes
PC: Catarman PNP

Facebook Comments