
Inaresto ng mga operatiba ng Burgos Municipal Police Station (MPS), katuwang ang Pangasinan Police Provincial Office (PPO) bilang lead unit, at ang DSOU-CIDG, ang isang lalaki na kabilang sa Top 5 Most Wanted Person (Municipal Level) sa bayan ng Burgos.
Dakong 10:30 AM noong Disyembre 1, 2025, isinagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip ng akusado, isang 31 anyos na binata, at residente rin ng Burgos.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa limang (5) bilang ng Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5 (b) ng Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).
Kabilang dito ang ilan pang Criminal Case Numbers na may tig-Php 150,000.00 na inirekomendang piyansa sa bawat kaso.
Agad na dinala ang akusado sa kustodiya ng Burgos MPS para sa tamang dokumentasyon at karagdagang proseso ng batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









