
Nasakote ng Mangatarem Municipal Police Station ang isang wanted person bandang alas-3:18 ng hapon noong Disyembre 29, 2025, sa bayan ng Mangatarem, Pangasinan.
Ang matagumpay na operasyon ay naisakatuparan sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Arturo C. Melchor, Jr., Chief of Police ng Mangatarem MPS. Ayon sa ulat, ang pag-aresto ay isinagawa alinsunod sa Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) kaugnay ng kasong Estafa sa ilalim ng Republic Act No. 10951.
May inirekomendang piyansa ang korte na nagkakahalaga ng Pitumpu’t Dalawang Libong Piso (Php72,000.00) para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Sa kasalukuyan, ang nasabing indibidwal ay nasa kustodiya ng Custodial Facility ng Mangatarem Police Station habang isinasagawa ang mga kinakailangang dokumento at iba pang kaukulang disposisyon alinsunod sa umiiral na batas.
Samantala, muling tiniyak ni PMAJ Melchor na patuloy pang paiigtingin ng Mangatarem PNP ang mga operasyon laban sa kriminalidad at iligal na droga, gayundin ang mas pinaigting na pagtugis sa mga wanted person bilang bahagi ng kanilang matibay na paninindigan na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong nasasakupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










