Kinilala ang suspek na isang 51-anyos na lalaking drug surrenderee, at residente ng Bangui, Ilocos Norte.
Sa isinagawang buy-bust operation, nakumpiska mula sa suspek ang isang gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na ₱6,800.00, na nakapaloob sa anim na piraso ng maliliit na heat-sealed transparent plastic sachets, kung saan isa ang naibenta at lima ang narekober mula sa kanyang pag-iingat. Nakumpiska rina ng iba pang ebidensya mula sa suspek.
Isinagawa ang inventory at pagmamarka ng lahat ng nakumpiskang ebidensya sa lugar ng operasyon, sa presensya ng mga mandatory witnesses at ng suspek, alinsunod sa itinakda ng batas.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Bangui MPS at mahaharap sa kaukulang kaso kaugnay ng iligal na droga habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad.







