Wanted Person patay sa operasyon sa Datu Saudi Ampatuan

55

Patay sa operasyon ng mga pinagsanib na pwersa ng mga otoridad ang isang Wanted Person.
Sa report mula PNP, isisilbi lamang sana ang warrant of arrest dahil sa mga kasong Multiple Frustrated Murder and Multiple Murder laban sa suspect na si Marrox Genem Amlong alyas Marokz sa bahagi ng Kitapok, Datu Saudi Ampatuan , 9:45 ng umaga ng July 5.
Ngunit agad na tumakas ang suspek resulta ng habulan na nauwi sa barilan at kamatayan ng suspek.
Sinasabing isang hitman bukod pa sa pagiging myembro ng Kidnap for Ransom ang nasawing suspect.
Naging matagumpay ang operasyon dahil pagtutulungan ng PIU MAGPPO, 1404th RMFC, RMFB14, AKG, RIAT Maguindanao, PHPT North Cotabato at DSA MPS.
DSA File Pic


Facebook Comments