Wanted person sa Balabagan Lanao del Sur arestado

Isang lalaki na matagal ng may kinakaharap na kasong murder ang arestado sa bayan ng Balabagan sa Lanao del Sur.
Kinilala ni Police Chief Inspector Achmad Alibonga, hepe ng Balabagan Pnp ang suspek na si Benjamin Tamsing Sampiano na naaresto sa Brgy. Banago kahapon ng hapon. Bitbit ng mga otoridad ang warrant of arrest with criminal case # 0331-2016 na inisyu ni Judge Rasad G. Balindong.
Nakapiit na ngayon sa lock up cell ng Balabagan MPS ang suspek .(Amer Sinsuat).

Facebook Comments