Wanted Person sa Cagayan, Arestado; Baril at Granada, Nakumpiska!

Cauayan City, Isabela- Naaresto na ng pulisya ang top 9 most wanted person sa Buguey, Cagayan matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest sa Brgy. San Antonio North, Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj.Jobs Videz, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) ang akusado ay nakilalang si Candido Romias, 45-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. M. Antiporda, Buguey, Cagayan.

Nang mamataan dakong 6:00 kagabi si Romias sa bayan ng Bambang ay agad na isinilbi ang kanyang warrant of arrest na inisyu ng RTC Branch 6 at 9 ng Aparri, Cagayan sa kasong paglabag sa R.A 10591 o illegal possesion of fire arms at frustrated murder.


Narekober sa sling bag ng akusado ang isang unit ng revolver cal. 38, apat na bala, dalawang cellphone at isang hand grenade.

Bago ipasakamay sa PNP Buguey ang akusado ay isinailalim muna ito sa karagdagang dokumentasyon at imbestigasyon.

Muling mahaharap na kasong paglabag sa R.A 9516 (illegal possession of explosive) at RA 10591 (illegal possession of fire arms) si Romias.

Facebook Comments