Himas rehas ngayon ang isang lalaki na itinuturing na wanted person matapos na mahuli ng awtoridad sa San Jacinto, Pangasinan.
Kinilala ang akusado na isang 54 anyos na lalaki at tubong Victoria, Tarlac.
Inaresto ang akusado sa bisa ng isang warrant of arrest kung saan nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 or Anti-Violence Against Women and their Children at may kaukulang piyansa na nagkakahalaga ng nasa 72,000 pesos.
Sa ngayon ay nasa ilalim na ito ng kustodiya ng PNP San Jacinto upang makuhaan na rin ng impormasyon at dokumentasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









