WANTED PERSON SA KASONG PAGPATAY, NASUKOL

CAUAYAN CITY- Tuluyan nang napasakamay ng mga otoridad ang isang wanted person sa bayan ng Pidigan, Abra.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Genesis”, nasa wastong edad, at residente ng nasabing probinsya.

Naaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Murder na inihain noong ika-dalawamput’ apat ng Oktubre 2024 sa RTC, Bucay, Abra kung saan walang inirekomendang pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

Samantala, ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay dahil sa pinagsanib na pwersa ng Lagayan Municipal Police Station katuwang ang Pidigan MPS, Tayum MPS at 1st Abra PMFC.

Facebook Comments