Naaresto ng Calasiao Police Station ang isang wanted person kaugnay ng kasong Qualified Theft sa isinagawang operasyon ng kapulisan noong miyerkules sa bayan ng Calasiao, Pangasinan.
Ayon sa ulat, ang pag-aresto ay isinagawa alinsunod sa umiiral na warrant of arrest para sa paglabag sa Article 310 ng Revised Penal Code o Qualified Theft.
May inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng P40,000.
Nakatakda nang umusad ang proseso ng kaukulang kaso matapos ang pagkakaaresto.
Hinimok naman ng pulisya ang publiko na manatiling mapagmatyag at aktibong makipagtulungan sa mga awtoridad sa pag-uulat ng anumang kahina-hinala o kriminal na gawain sa mga komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










