
Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng San Jacinto Police Station at Laoac Police Station ang isang 33 anyos na construction worker na wanted sa kaso ng reckless imprudence resulting in serious physical injuries, pasado 1:30 PM noong December 8, 2025.
Kinilala ang akusado bilang isang binata na residente ng Laoac, Pangasinan.
Inaresto siya sa pamamagitan ng Bench Warrant of Arrest matapos mabigong dumalo sa itinakdang pagdinig ng korte kaugnay ng kanyang kaso. May nakalaang 12,000 pesos na inirekomendang piyansa para sa nasabing asunto.
Matapos ang pag-aresto, dinala ang akusado sa San Jacinto MPS kung saan siya kasalukuyang nasa kustodiya para sa tamang dokumentasyon at disposisyon alinsunod sa utos ng korte.
Patuloy namang pinaigting ng kapulisan ang pagtugis sa mga wanted persons upang matiyak ang pagpapatupad ng batas at seguridad sa mga komunidad ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









