Wanted Person sa Nueva Vizcaya, Natimbog sa Camarines Sur

23

Cauayan City, Isabela- Naaresto ng mga otoridad ang Top 1 Most Wanted Person (MWP) ng bayan ng Dupax Del Sur sa lalawigan ng Nueva Vizcaya bandang 6:15 kagabi sa San Jose, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek sa alyas na ‘Jojo’, 54-anyos, may-asawa, isang laborer at residente ng Dopaj, Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya.


Ipinalabas ni hukom Jose Godofredo Naui, Presiding Judge ng RTC Br. 37 Bayombong Nueva Vizcaya na may petsang September 12, 2012 para sa kasong panggagahasa.

Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito.

Samantala, pinuri naman ni Acting Provincial Director PCol. Ranser Evasco ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) ang mga pulis na nagsagawa ng operasyon para matukoy ang kinaroroonan ng suspek at mapanagot sa batas.

Facebook Comments