Tuesday, February 24, 2026

WANTED PERSON, TIMBOG SA BISA NG WARRANT OF ARREST SA SAN NICOLAS

Inaresto ng mga tauhan ng San Nicolas Municipal Police Station (MPS) ang isang 35 anyos na lalaki na kabilang sa listahan ng mga wanted person bandang alas-12:15 ng tanghali noong February 23, 2026.

Kinilala ang akusado bilang isang product specialist at residente ng San Nicolas, Pangasinan.

Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest kaugnay ng kasong Qualified Theft.

May inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng 30,000 pesos para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Matapos ang pagkakaaresto, agad na dinala ang akusado sa himpilan ng San Nicolas MPS at kasalukuyang nasa kustodiya para sa wastong disposisyon at kaukulang proseso ng batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments