Wanted posters ng 6 na suspek na sangkot sa pagkawala ng mga sabungero, inilabas ng CIDG

Nagpakalat ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ng mga wanted poster na naglalaman ng larawan ng anim na suspek na sangkot sa pagdukot ng mga nawawalang sabungero sa Manila Arena.

Ito’y matapos na ianunsyo ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla sa kanyang pakikipagpulong sa CIDG at mga pamilya ng mga biktima na magbibigay siya ng tig-isang milyong pisong pabuya para sa ikadarakip ng mga akusado.

Ayon kay CIDG Director PBGen. Romeo Caramat, inaasahan nilang mapapabilis ang pagdakip sa mga suspek kasunod ng mga inilabas na wanted posters.


Ang mga poster ay ikakalat nationwide at ipapaskil sa lahat ng PNP Units sa mga matataong lugar at ipo-post sa social media.

Facebook Comments