Arestado ang isang lalaking wanted sa Bulacan matapos ang operasyon ng Mangatarem Police Station sa ilalim ng Project TENANT.
Ayon sa pulisya, ang suspek ay isang construction worker na residente ng Bulacan ngunit pansamantalang naninirahan sa isang barangay sa Mangatarem.
Nahuli siya matapos maisama sa listahan ng mga bagong naninirahan na isinumite ng mga opisyal ng barangay bilang bahagi ng nasabing programa.
Nahaharap ang suspek sa apat na bilang ng Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code, kaugnay ng Section 5(b) ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, na may piyensang ₱180,000 bawat bilang.
Mayroon din siyang dalawang kaso ng paglabag sa Section 10(a) ng parehong batas na may piyensang ₱80,000 bawat isa.
Patuloy na nananawagan ang kapulisan sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang komunidad.









