Wanted sa France, arestado sa Pilipinas!

Bumagsak na sa kamay ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang dayuhan na tumakas sa France dahil sa kasong pang-aabuso sa mga menor de edad.

Kinilala ang akusado na si Pascal Didier Gillot, 53 anyos.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang akusado ay nahuli sa San Roque, Antipolo City, makaraang itimbre ng French government.


Paliwanag ni Morente, nasa Red Notice na rin ng International Police si Gillot na nanghalay ng mga kabataang nagkaka-edad ng 15 pababa.

Ang akusado na napag-alamang overstaying na sa bansa ay nakakulong ngayon sa Warden Facility sa Bicutan, Taguig, habang hinihintay ang pagpapabalik sa kaniya sa France.

Facebook Comments