Tuguegarao City – Arestado ang isang lalaking matagal ng pinaghahanap ng batas dahil sa kasong illegal possession of firearms sa Tuguegarao City, Cagayan.
Batay sa impormasyong ipinarating sa RMN News Cauayan, naaresto ang suspek na si Roderick Quilang, 47 anyos, may asawa, at residente ng Libag Sur, Tuguegarao City ganap alas nuebe y media ng umaga ngayong araw, Enero 26, 2018.
Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Marivic A. Cacatian-Beltran ng RTC Branch 3 ng Tuguegarao City, nadakip ang suspek sa Brgy. Leonarda ng nasabing lungsod sa pangunguna nina SPO1 Ivic Ramirez, PO3 Edwin Balubal at PO3 Maria Elena Yadan sa ilalim naman ng pamumuno ni PSupt. Edward Guzman, Chief of Police ng PNP Tuguegarao.
Nakasaad sa isinilbing warrant of arrest ang paglabag umano ng suspek sa R.A. 8294 (an act amending law on firearms, ammunition and explosives) na muli namang ibinalik sa hukuman kasama ang suspek para sa kaukulang disposisyon ng korte.