Wanted sa kasong 2 counts of rape, arestado sa Boracay

19

Boracay – Arestado ng mga taga Malay PNP ang isang wanted sa kasong 2 counts of rape kahapon ng hapon sa Sitio Bantud, Brgy. Manocmanoc, Boracay. Kinilala ang akusado kay Johny Galan Mariano, 57-anyos ng San Jose Romblon. Inaresto si Mariano sa pamamagitan ng bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 counts of rape in relation to violation of Section 10, Par(a) of RA No.7610 na inisyu ni Hon. Bienvenido P. Barrios Jr., Presiding Judge, Regional Trial Court, 6th Judicial Region, Branch 3 Kalibo, Aklan na may petsang November 5, 2020. Walang pyansa na inirekomenda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Si Marianao ay nakatakda namang i-turn-over sa korte.

Facebook Comments