Wanted sa kasong Illegal Recruitment, Natimbog!

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang isang Ginang na Top 6 most wanted person sa bayan ng Tumauini, Isabela matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest kahapon.

Ang akusado ay nakilalang si Flordeliza Escobar Matamag, 42 anyos, walang asawa at resident of Bliss Brgy. Arcon, Tumauini, Isabela.

Si Escobar ay hinuli dahil sa kinakaharap na kasong illegal recruitment at may inirekomendang piyansa ang korte na P120,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Nasa kustodiya na ng PNP Tumauini ang akusado para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments