Wanted sa kasong pagpatay sa Batan, naaresto sa Palawan

9

Kalibo, Aklan — Naaresto ng mga otoridad ang isang wanted sa kasong pagpatay sa Batan Aklan.
Kinilala ang akusado kay Edgar Sta. Maria Martesano, 56-anyos at kasalukuyang nakatira sa Araceli, Palawan.
Kagabi ay dumating sa Kalibo PNP si Martesano kasama ang mga taga Araceli PNP sa pangunguna ni Police Senior Master Sergeant Edwino Eleazar.
Ayon kay Eleazar, na itong si Martesano ay suspek sa pagpatay kay Alan Abayon noong Oktubre 21, 1991 sa Sitio Talangban, Camaligan, Batan, Aklan at ito ay nagtago.
Dagdag pa ni Eleazar na noong Setyembre 15, 2019 pa nila nhuli ang suspek pero dahil sa kakulangan sa pondo ay hindi agad ito nadala papuntang Aklan kung saan kanila muna itong ikinustudiya sa loob ng mahigit limang buwan.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ito ng Kalibo PNP at nakatakdang i-presenta sa korte.
P 40,000.00 ang pyansang itinakda ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments