Wanted sa Kasong Panggagahasa ng Menor de Edad, Nadakip

37

Cauayan City, Isabela- Arestado ng mga otoridad ang itinuturing na Top 5 Most Wanted person sa Lalawigan ng Cagayan matapos ang anim (6) na taong pagtatago sa batas dahil sa kasong panggagahasa.

Nadakip sa Taguig City ang akusado na kinilalang si Ramon Lopez Credo IV, isang pintor at residente ng Sitio Mangga, Brgy. Lagum, Peñablanca, Cagayan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte sa Tuguegarao City, Cagayan noong November 28, 2014.


Si Credo IV ay nahaharap sa kasong panggagahasa sa isang menor de edad sa bayan ng Peñablanca na naganap noong taong 2013.

Walang inirekomendang piyansa ang korte sa nasabing kaso para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa dokumentasyon at siya’y nakatakdang ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments