Wanted sa kasong rape at pambabastos, arestado

32

Ibajay, Aklan – Arestado ng mga otoridad ang isang wanted sa kasong rape at pambabastos sa Brgy. Aparicio, Ibajay, Aklan.
Ang akusado ay kinilalang si Jonnel Pelayo, 48-anyos at residente ng nasabing lugar.
Inaresto si Pelayo nga mga miyembro ng 2nd Aklan Mobile Company, Ibajay PNP at Mindoro Provincial Police Office sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Ulysses D. Delgado, Executive/Presiding Judge, 4th Judicial Region, RTC, Br.44, Mamburao, Occidental Mindoro na may petsang Agosto 22, 2016.
Maliban sa rape, sinilbihan rin si Pelayo ng warrant of arrest sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to RA 7610 o pambabastos.
Walang pyansa na inirekomenda ang korte para sa kasong rape habang Php 180,000.00 naman para sa kasong Acts of Lasciviousness.
Nagawa ni Pelayo ang krimen sa Mindoro may limang taon na ang nakakaraan.

Facebook Comments