Wanted sa Kasong Rape, Natimbog sa Lungsod ng Cauayan

Cauayan City, Isabela- Nadakip na ng mga kasapi ng PNP Cauayan City ang Top 5 Most wanted person sa Lalawigan ng Isabela.

Kinilala ang akusado na si Robert Celestine Madayag, 26 anyos, walang asawa at residente ng Callao, Alicia, Isabela.

Siya ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Raul V Babaran, ng RTC Br 19, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong rape o panggahasa.


Dinala sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments