Wanted sa Kasong Robbery, Arestado!

*R**amon**, I**sabela- *Hindi nakaligtas sa mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 8 Most Wanted sa bayan ng Ramon, Isabela matapos na madakip sa P-4 Brgy. Bugallon Norte, Ramon, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Reynaldo Mina, 29-anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng P-4 Bugallon Norte, Ramon, Isabela.

Si Mina ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni hukom Nicasio B. Bautista III, ng RTC, 2nd Judicial Region, Branch 21, Santiago City sa kasong Robbery na may docketed under Criminal Case No. 21-12012F.


Pansamantlang makakalayan ang akusado kung makapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng Php18,000.00.

Isinailalim na sa medical examination at dokumentasyon ang akusado bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments