Wanted sa Kasong Sexual Abuse, Arestado sa Naga City

Inaresto ng mga otoridad ang lalaking kinilalang si Mario Moralde y Alarma, edad 48 at residente ng San Gabriel St., Barangay Cncepcion Pequena, Naga City dahil sa patung-patong na kasong may kaugnayan sa panghahalay.
Nahaharap ngayon sa kasong Sexual Abuse by Lascivious Conduct sa ilalim ng Sec. 5 (5) ng Republic Act 7610 si Moralde, kung saan nasa halagang 200,000 pesos ang inirekonmendang piyansa.
Maliban sa unang nabanggit, may warrant of arrest din si Moralde para sa kasong Statutory Rape base sa Article 266(A) ng Revised Penal Code at may kaugnayan sa Article 266 (B). Walang inirekomendang piyansa dito.
Ang warrant of Arrest ay inisyu ni Hon. Erwin Virgilio Ferrer, Presiding Judge ng 5th Judicial Region, RTC Branch 20 na nakabase sa Naga City. Ang WOA ay may petsang January 9, 2019 sa ilalim ng criminal case number RTC 2019-0013.

Facebook Comments