Friday, February 20, 2026

WANTED SA QUALIFIED THEFT, ARESTADO SA URDANETA CITY

Inaresto ng mga tauhan ng Urdaneta City Police Station ang isang lalaki na wanted sa kasong Qualified Theft noong alas-3:33 ng hapon, February 19, 2026 sa lungsod ng Urdaneta.

Kinilala ang akusado na isang 31 anyos na tattoo artist at residente rin ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) para sa kasong Qualified Theft sa ilalim ng Article 310 ng Revised Penal Code. Inirekomenda ng hukuman ang piyansang nagkakahalaga ng ₱30,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Urdaneta CPS ang naaresto para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago iharap sa korte.

Patuloy namang pinaalalahanan ng pulisya ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad upang agad na maipatupad ang mga warrant of arrest at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Facebook Comments