Nagpapatuloy ang ginagawang mas pinalakas na kampanya ng mga elemento ng PNP Bangsamoro Autonomous Region partikular sa Maguindanao kontra sa anu mang uri ng krimen maging mga wanted person at mga nagdadala ng baril na walang kaukulang mga dokumento.
Sa Datu Paglas, bumagsak sa kamay ng PNP ang Top 4 Most Wanted ng bayan. Kinilala ito na si Rahib Madidis Osmena 34anyos na nahaharap sa kasong Parricide.
Sa Datu Odin Sinsuat, arestado naman ang isang suspek na nahaharap sa kasong Carnapping at Homecide. Kinilala ito na si Jayshon Bornia Alam AKA Tatang 28 anyos, construction worker.
Habang arestado rin sa Datu Piang si Ayunan Talib Singgol, 59 year old matapos makumpiskahan ng baril. Nakuha sa kanya ang isang Caliber 45 pistol.Nahuli ito matapos ireklamo ng pagpaputok ng kanyang baril.
Sa Parang Maguindanao, kulungan din ang bagsak ng apat katao na kinilalang sina Habir Sabilin Jul, Yasser Mama, Juhari Marohom, at Walid Mama. Sinasabing naireport ang mga ito dahil sa nag-iinum sa tapat ng isang kapilya madaling araw kahapon, sa pagresponde ng PNP dun na nadiskubre na isa sa mga ito ang may Colt Caliber 45 pistol.
Patuloy naman ang paalala ng PNP sa publiko na makiisa sa kanilang kampanya at adbokasiya para na rin sa katiwasayan ng bayan.
PNP Maguindanao Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
War against Crime sa Maguindanao mas pinatindi pa ng PNP
Facebook Comments