Naghain ng war crimes complaints sa Department of Justice (DOJ) ang limang Myanmar natives laban sa Tatmadaw o ang Military Junta sa Myanmar.
Ang reklamo ay nag-ugat sa mga krimen ng Military Junta noong 2021 sa mga kamag-anak ng mga complainant na parte ng Christian minority group sa Myanmar.
Partikular dito ang pagbobomba, pagsunog ng mga bahay, at pag-torture sa mga sibilyan.
Ayon sa mga Pilipinong abogado ng complainant, makasaysayan ang isinampa nilang reklamo dahil ito ang unang pagkakataon na may ganitong klase ng kaso ang inihain sa bansa.
Anila, may hurisdiksyon at may obligasyon ang Pilipinas para dinggin ang mga nasabing krimen na nangyari sa Myanmar bilang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at alinsunod sa Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide and Other Crimes Against Humanity Act of 2010.