Upang makahikayat ng marami pang turista sa bansa palalakasin ng Department of Tourism ang mga memorial marker na magugunita ng mapait na ala-ala ng sinapit ng mga Pilipino noong panahon ng ikalawang digmaan.
Sa ginanap na forum sa kapihan sa manila bay sinabi ni Department of Tourism o DOT Secretary Berna Romulo Puyat na nag guest speaker siya sa isinagawang corrigidor foundation na nadevelop ng DOT kung saan meron ng master plan para rito upang mahikayat ang mga turista na magtungo sa Pilipinas.
Paliwanag ni Puyat na napakahalaga na ipaalala sa mga kabataan ngayon ang ginawang kabayanihan ng mga sundalong Pilipino noong panahon ng World War II.
Naniniwala ang kalihim na ang war memorial dito sa ating bansa ay napakahalaga at tiyak maghihikayat ng dagsang turista hindi lang mga hapon at amerikano kundi ang mga bagong sibol ng mga kabataan na nagnanais na mamulat sa lagim na dinulot ng mapait digmaan.