WAR ON DRUGS | 1.3 ektaryang lawak na shabu lab sa Batangas, sinalakay ng PDEA

Batangas – Sinalakay ng mga tauhan ng PDEA ang isang shabu laboratory sa Barangay Sto. Niño, Ibaan, Batangas.

May lawak na 1.3 ektarya ang shabu lab na pinalalabas na isang piggery at poultry farm.

Naaresto naman sa operasyon ang tatlong Chinese chemist at tatlong Pinoy helpers kabilang ang isang driver, electrician at drug runner.


Ayon kay PDEA spokesperson Derrick Carreon – ikinasa nila ang operasyon makaraang makatanggap ng tip mula sa kanilang Chinese counterparts tungkol sa operasyon ng shabu lab.

Ilang residente rin daw ang nagsumbong na nakakaamoy sila ng kakaiba mula sa na inakala nilang poultry farm.

Nabatid na tatlong linggo pa lang nag-o-operate ang shabu lab na kayang mag-produce ng 25 kilo ng shabu kada araw.

Nagpapatuloy pa ang imbentyaryo sa mga equipment, kemikal at semi-finished products na natagpuan sa naturang shabu lab.

Facebook Comments