Zamboange Del Norte – Naaresto ng mga tauhan ng AFP Joint Task Force ZAMPELAN at PNP Liloy sa Zamboange Del Norte ang sampung mga drug suspek.
Ayon kay Major Ronald Suscano ang tagapagsalita ng 1st Infantry Division ng Philippine Army bitbit ang search warrant sinalakay ng mga sundalo at pulis ang mga lugar ng Barangay Fatima, Barangay Baybay, Barangay Villa Tejero at Barangay Causwagan sa Zamboanga Del Norte.
Dahil dito naaresto ang mga drug suspects na sina Mario Vergara Cubol, Jeffrey Ortega Ehidio, Maria Sheila Luta Ehidio, Dunhill Buga-ub, Jeffrey Campaner Rusiana, Melvin Paradel Borgonia, Roger Tuting, Leo Tayrus Tejero, Francis Barbacias at Franklyn Manait, mga residente ng apat na barangay.
Narkekober sa sampung ito ang 17 maliliit na transparent sachets at tatlong malalaking plastics na naglalaman ng shabu.