Manila, Philippines – Umabot sa higit 100 menor de edad ang naaresto ng pulisya sa Metro Manila dahil sa kaso ng ilegal na droga.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Chief Superintendent Guillermo Eleazar, 116 minors ang hinuli mula Enero hanggang Hunyo 17 ngayong taon.
Aniya, 24% itong mataas kumpara sa 88 inaresto sa kaparehas na panahon nitong 2017.
Ang Manila Police District (MPD) ang may pinakamaraming bilang ng mga menor de edad na naaresto kasunod ang Quezon City Police District (QCPD).
Inihayag ng PNP na ang mga naarestong bata ay kadalasang ginagamit ng kanilang mga magulang bilang drug couriers.
Facebook Comments