General Santos City – Aabot ng 180 na involved sa illegal drug activity sa lungsod ng Gensan ang target sa ipinatutupad na Oplan Tokhang base sa listahan ng Directorate For Intelligence (DI).
Sinabi ni Police Senior Superintendent Romeo Ruel Berango, Acting City Director ng Gensan City Police Office, na kanila pang inaalam ang mga tirahan ng mga pangalan na nasa listahan at kung anu-ano na ang kanilang ginagawa ngayon matapos ng dalawang buwan na natigil ang operasyon ng PNP sa war on drugs.
Iisa-isahin ng mga tokhangers ang mga nasa listahan para kumbinsihin na iwanan ang droga at makilahok sa mga programa ng gobyerno na tutulong sa kanila para mag bagong buhay.
Sa ngayon, may 90 na silang napuntahan sa loob lamang ng isang linggo at aasahan na kanilang mabisita ang iba pa sa susunod na mga araw.
Samantala sinabi ni Col. Berango kanilang babalikan ang kanilang mga natokhang na para alamin kung tumigil na ba ito sa pagbibinta at paggamit ng droga.