Manila, Philippines – Nasa 20 lokal na opisyal na kasama sa narco-list ni Pangulong Duterte ang nagtungo sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, sa kabuuan 88 na lang ang natitirang opisyal sa listahan mula sa 96 na LGU official sa narco-list.
Aniya, kinabibilangan ito ng 66 na mga alkalde, 7 kongresista, mga vice governor at vice mayor at gobernor.
Aminado naman si Aquino na dalawang kongresista at isang alkalde sa ngayon ang fully validated nilang sangkot sa droga at pinag-aaralan kung hinog na para kasuhan.
Habang aabutin naman aniya ng dalawa pang linggo para matapos ang adjudication process sa ibang sangkot sa droga.
Dito aniya malalaman kung sino sa 88 opisyal ang mananatili sa narco-list at sino ang matatanggal.