Valenzuela City – Sa 33 brgy sa Valenzuela City, 24 sa mga ito ay idineklara nang drug free ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kay DILG- Valenzuela Director Mary Jane Nacario, target ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela na maideklara na ring drug free ang natitirang mga brgy sa lungsod, sa pagtatapos ng buwan ng Abril.
Magpapatuloy aniya ang effort ng pamahalaang lungsod upang mapanatiling drug free ang mga bARANGAY.
Kaugnay nito, nasa 941 mga indibidwal naman ang sumasailalim sa Community Wellness Rehabilitation Program.
Habang noong buwan ng Marso, nasa 41 indibidwal o pasyente ang nakatapos sa rehabilitation program ng Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center.
Facebook Comments