WAR ON DRUGS | 27 kilo ng coccaine, narekober sa dagat sa lalawigan ng Quezon

Quezon – Narekober ng mga mangingisda ang 27 kilo ng cocaine na nakabalot sa isang plastic container sa Lamon Bay karagatang sakop ng Quezon at Camarines Sur kaninang umaga.

Ayon kay Quezon Police Provincial Director, Senior Supt. Rhoderick Armamento na napansin ng apat na mangingisda ang plastic container na palutang lutang sa karagatan.

Kaya agad nila itong kinuha at nang mabuksan, tumambad ang mga nakapaketeng mga bagay na hindi maganda ang amoy kaya inireport nila sa mga otoridad ng barangay pinagtubigan Este, Perez, Quezon.


Matapos naman ang pagsusuri ng PNP Crime Laboratory ng Quezon PNP lumitaw na positibonf coccaine ang mga ito

Iti-turn over ang mga coccaine sa crime laboratory ng Camp Crame.

Facebook Comments