WAR ON DRUGS | 3 personalidad, huli sa magkahiwalay na operasyon sa Parañaque

Manila, Philippines – Arestado ang tatlong personalidad sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa lungsod ng Parañaque.

Unang naaresto sa Oplan Galugad ang 37-anyos na si Erwin Torres sa Sta. Maria St. Barangay San Antonio.

Nahulihan si Torres ng isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.


Samantala, nadakip naman sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Phil. Drug Enforcement Agency at Station Drug Enforcement Team sina Harry Chavez at Angelo Ocampo.

Isinagawa ang operasyon sa Sanchez St. Sampaloc Site II, Brgy. BF Homes kung saan nasabat mula sa kanila ang tatlong sachet ng umano’y shabu at 500 pesos na Buy-Bust Money.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments