WAR ON DRUGS | 3 personalidad, nahulihan ng shabu sa Paranaque City

Paranaque City – Arestado ang tatlong personalidad matapos na magsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team sa Purok Uno, Silverio Compound, Brgy. San Dionisio, Paranaque City.

Kinilala ang mga suspek na sina Michael Manuba, 20 anyos; Michael Anthony Hong, 37 anyos; at Justine James Santos, 21 anyos, kapwa residente ng Marso Street, Purok 2, Silverio, Compound Brgy. San Dionisio, Paranaque City.

Ayon kay Parañaque Chief of Police Sr. Supt. Leon Victor Rosete, nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng na pinamunuan ni Police Senior Inspector Anthony Alising kung saan nagpanggap na bibili ng shabu ang isa sa mga pulis sa mga suspek at nang iaabot na ang 200 piso na hawak ni PO1 Salucon Jr. na nagpanggap na poseur buyer ang mark money sa mga suspek ay agad nila itong dinampot at dinala sa himpilan ng pulisya.


Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng mga pulis sa Parañaque City Prosecutors Office laban sa tatlong mga suspek.

Facebook Comments