WAR ON DRUGS | 5 tao, arestado sa buy bust operation sa Taguig City

Taguig City – Arestado ang limang drug suspek matapos silang kumagat sa ginawang buy bust operation sa Barangay Central Signal, Taguig City.

Sa ulat, target sa operation ang isang Manuel Frianeza Jr, 33-anyos na isang construction worker pero kilala sa pagbebenta ng shabu.

Nakipag-kasundo ang suspek na makipag kita sa San Lorenzo St., zone 3 sa nasabing barangay kung saan nakabili ang mga pulis ng P2,000 ng halaga ng shabu mula sa kaniya.


Bukod sa nabanggit na suspek, dinakip din ang apat na iba pa na inabutan sa lugar kabilang na dito sina Joseph Aurio, Carl Raniel Frianeza, Ralph Frianeza at Bert Lagum.

Bukod sa drug paraphernalia, anim na pakete ng shabu ang narecover sa mga suspek na nagkahahalaga ng P40,000.00

Facebook Comments