WAR ON DRUGS | 77-anyos na lolo at 3 iba pa, arestado sa iligal na droga sa Lucena City

Quezon Province – Arestado ang apat na lalaki kabilang ang isang 77-anyos na lolo na tulak ng droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Lucena City, Quezon.

Nakilala ang lolo na si Rodolfo De Castro at mga kasama nitong sina Eric Wong at Juanito Erella.

Nahuli pang nagpo-pot session sina Wong at Erella gamit ang shabu na binili nila kay De Castro.


Samantala, nadakip din ang isa pang tulak ng droga na 18-anyos na si Manuel Royo, kung saan nakumpiska sa kaniya ang tatlong sachet ng shabu na nagkakahalagang P2,035.

Facebook Comments