Manila, Philippines – Walong drug traffickers ang nasentensyahan ng life imprisonment ng Quezon City courts. Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. John Bulalacao, pinatawan ng habang buhay ng pagkakakulong ang mga drug trafficker na sina Eduardo Dario, Rea Mae Libiran, John rey Bungcasan at Gemmarose Codera na unang naaresto ng mga tauhan ng binuwag na PNP Anti-Illegal Drugs Group matapos makuhaan ng 45 kilo ng shabu noong taong 2016. Habang ang apat pang convicted drug trafficker ay kinilalang sina Wilfredo Uy, Chinese national; Chen Ta yun, Taiwanese national; Yang Shu, Chinese National; at Lu pang Ming, Chinese National. Ang mga banyagang drug traffickers na ito ay naaresto habang gumagawa ng shabu sa isang shabu laboratory sa Tandang Sora, Quezon City noong taong 2007. Sinabi ni PNP Drug Enforcement Group Director Chief, Police Supt. Albert Ferro na dahil sa mga desisyong ito ng korte ay mas ganado silang magtrabaho upang mas maging matagumpay ang kanilang war on drugs.
WAR ON DRUGS | 8 drug traffickers, sinintensyahan ng life imprisonment; PNP, mas naging agresibo sa kampanya kontra droga
Facebook Comments