WAR ON DRUGS | 900 high value targets na sangkot sa illegal drugs, tutugisin ng PNP

Manila, Philippines – Nakatutok na ang Philippine National Police (PNP) sa 900 high value targets kaugnay ng ilegal na droga.

Ito ay matapos ang positibong pagtanggap ng mayorya ng mga Pilipino sa war on drugs ng Administrasyong Duterte base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ayon kay PNP Spokesperson, Chief Superintendent Benigno Durana – tiniyak na hahabulin nila ang mga nasa tuktok ng mga sindikato ng ilegal na droga.


Base sa #realnumbersph umabot na sa higit 500 ang bilang ng kanilang naaresto na nagtatrabaho sa pamahalaan.

Mula sa nabanggit na bilang, 271 ay government employee, 247 naman ang elected official habang 58 naman ang uniformed personnel.

Nasa higit 200 pulis naman ang na-dismiss sa serbisyo dahil sa kinasasangkutang kaso kaugnay sa illegal drugs.

Facebook Comments