WAR ON DRUGS | Babaeng big time drug pusher na naaresto sa Manila, sinampahan ng kaso

Manila, Philippines – Nahaharap sa kasong paglabag ng Section 5 Article II of Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang babaeng bigtime drug pusher matapos masamsaman sa suspek ang mahigit 800 libong pisong halaga ng shabu sa isinagawang drug buy-bust operation sa Manila noong February 15, 2018.

Si Farhanah Asah, 26 anyos, naaresto ng mga tauhan PDEA Regional Director Archie Grande, sa harapan ng One Quiapo Hotel, Quiapo, Manila kung saan nakumpiska sa suspek ang isang transparent plastic bag na umano’y naglalaman ng hinihinlang shabu at dalawa pang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet naglalaman din ng shabu, na tumitimbang ng humigit kumulang 175 grams, at may tinatayang market value na P875,000.00.

Paliwanag ni Grande, tuloy -tuloy ang kanilang operasyon at mayroon pa silang tinatarget na drug pusher pero hindi muna nila ihahayag sa media upang hindi masira ang kanilang ikinakasang drug operation.


Facebook Comments