WAR ON DRUGS | Bagong drug group na nag-o-operate sa Iloilo, patuloy na binabantayan ng mga otoridad

Iloilo City – Patuloy na mimonitor ng pulisya ang mga iligal na gawain sa Iloilo City.

Ito ay matapos nila makumpirma na isang bagong drug group ang nag-o-operate ngayon sa nasabing lungsod.

Sa intelligence information na nakuha ng Police Regional Office 6 (PRO-6), ang hindi pa pinapangalanang grupo ay unti-unting nagkakaroon ng impluwensiya sa illegal drug trade.


Sa kabila nito, inihayag ng PRO-6 na 92 percent nang nasugpo ang iligal na droga sa Western Visayas matapos masakote ang drug lords na sina Melvin Odicta at Richard Prevendido.

Facebook Comments