Manila, Philippines – Hinamom ni outgoing Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang international group na human rights watch na sampahan siya ng kaso may kaugnayan sa war on drugs ng Duterte administration.
Ayon kay Dela Rosa – kung talagang totoo ang mga sinasabi ng Human Rights Watch ay maghain na lang sila ng kaso, hindi puro lang dakdak.
Kinwestyon din nito ang mga kritiko kung saan sinabi na bakit puro adik at pusher lang ang kanilang idinadakdak at hindi man lang nababanggit ang mga pulis na namamatay sa mga operasyon.
Ang reakasyon ni Bato ay kasunod na rin ng pahayag ng HRW researcher Carlos Conde na iiwan ni Dela Rosa ang PNP na may maduming record kaugnay sa kampanya ng kontra iligal na droga.
Si Dela Rosa ay retirado na noong pang Enero 21 at nakatakdang isalin nito ang chain of command kay incoming PNP Chief Oscar Albayalde ngayong araw.